Thursday, October 20, 2011

Of people I met and an answered question :)

I've been very busy these days that I don't have time to blog everything. Okay. Highlights.

Saturday/Sunday-- went to SM Calamba and watched What's Your Number with Jay. Yes. My favorite couzy. :)) Syempre. Libre nya! :D Mind you. He's only 3rd year College pero mas mayaman pa sya sakin! Hoho. :p Sya ang nagiging boyfriend ko. Lagi kasi kami napagkakamalan. Lol.

Uwi sa bahay then went to WalterMart Makiling. Yes! First time ko! HAHA. It's just around the corner. As in. Sumunod kami ni Jay kasi andon daw sila Ninang and other cousins. Katawa! Di namin sila nakita agad. Oh well. That means malaki pa rin ang Walter? Lol. Anyway, we found them in the Grocery Store. Ayun. Halos lahat ng taga-Makiling andon. Lol. Kainis. HAHA :))

Then forever ako nasa internet na nakatulugan ko na. Paggising ko, si Lola nasa room ko na. Shet lang. HAHAHAHA. Kay Jay namang notebook gamit ko, keri lang. HAHAHAHA

Monday--late nagising. Tamad na tamad kasi ako bumangon. Boo me! HAHA. Lunch time alis ako diretso LB. Nagpapasama pa nga ko kay Jay sa QC. Yes. Punta nako sa Katipunan kila Mara para di masyado hassle kinabukasan. And there, hanggang sa ako nalang ang lumuwas. Awa ng Dyos nakarating naman ako. Letse mga tao sa MRT and LRT ang wild! Mauubusan???? Grabehan! Anyway, nagmamadali naman talaga ko pero grabe lang. Baba sa Gateway to watch Real Steal. In fairness, naiyak ako. Lol :)))) Hellouer? Lahat naman ata iniiyakan ko??? HAHAHA. 

Pang ilang movie na namen ni Mara yun? HAHA. Magjowa? Ganun talaga ata? Pareho kasi kami ng kapalaran. Tengene! Buti sana kung mga panget kami??? Tsktsk. HAHAHAHA. So yun, pag-uwi sakto last train. Dyahe lang kasi pinilit ko sya pumunta sa luwag sa spot not knowing pang Elderly and PWD yun. WTF! HAHAHAHAHAHAHA. Syet. Tawa na lang kami! :))))))) Nakakahiya as in!!!! 

So we went to their Condo near Ateneo. At yon, bagsak ako! HAHAHA. Badtrip sakin si Mara kasi gawa pa sya ng AVP for her mom's bday.  :p

Tuesday--THE BIG DAY. I went to the National Sectoral Assembly of the National Anti-Poverty Commision as a documentor. Patanga-tanga ko kasi lumampas ako sa Great Eastern Hotel. Hehe. Buti nalang malapit. Lol. 7am call time at yon ako pa nga ang maaga. Hehe. Tatlo kaming housemates ang nakuha ni Ahyel, AEMS din. Hehe. So there, andaming batang nagkalat sa hotel lobby. Sobrang big event pala yun talaga kasi nationwide and per region ang representation bukod sa sectoral. Eh letse 7am, hapon lang naman pala kami kelangan. Pabor! ^^ at the same price. Hehe. Natulog lang kami sa room. 12pm, lunch. Kadiri yung hotel na yun. Nanlilimahid yung mga mantel. Basta. feeling ko sobrang dugyot non. Arrrggh. Walang wala sa Alumni Hostel. Hehe :p

FIRST PERSON I MET. So nagstart kami magdocument sa sectoral. Sa Senior Citizen kami assigned. I was excited before because I have my heart for the elderly. Feeling ko nga nasa Will Time Bigtime kami. Lol. HAHA. So yun, nasa may bandang likod kasi kami kaya medyo naadvise-an kami ng NAPC coordinator na pumunta kami sa unahan. Feeling ko nga galit sya kasi nagdadaldalan kami. Hehe. Eh di sa hiya ko, nauna nako. Pumunta ko sa may sulok at umupo. Katabi ko yung isang matandang andaming alam. Lol

Lumapit sakin si Kaye dala-dala ang mga gamit. Nadanggil nya ng onti yung matanda na katabi ko. At yun, it started everything. 

"I AM NOT A LEANING POST!!!" galit na galit si Mamita. Nagtaray na ng bongga! Eh di syempre todo sorry si Kaye pero ako diretso lang sa pag document. Kebs lang. Maya maya tinanong na ko ni Kaye kung kaninong bag yung inup-an nya. Eh hindi ko naman alam so deadma uli--back to business ako. Ayun. Maya maya pa, naghurumintado na naman yung bruha! 

"Where is my bag?" Tapos turo si Kaye sa baba. Lalong naghysterical ang lola mo! "You don't put my bag there..blah blah blah!!!" Hanggang sa lahat na ng tao nakatingin na samen. Tanginang matanda yon ah-ah!

Biglang butt in ni Dayne. "Hindi naman po ginagalaw yung bag nyo." At yon na. Word War. Lol
Andaming sinabi ng hinayupak pero ang hinding hindi mawawala sa narinig ko eh yung... 

"STUPIDA!" "YOU HAVE NO MANNERS!!!" 

Wow! Who's talking????

Eh putangina nyo po~!

Problema ni lola??? Grabe lang. May panduduro pa sya and everything. Grabe lang. Pinalabas pa nya si Dayne tapos tinawag yung NAPC Coordinator at wag na wag daw kukunin uli si Dayne next time. Tangina! Wagas! Ako eh nangangatog na sa sulok. Kahit hindi ako yung sinabihan eh tangina! Tama ba yon???? Kunsabagay, matanda na kasi. Sobra naman ang bilib nya sa sarili nya kung ganon? Grabe. Pag namatay yon tyak andami pupunta--magsasaya! Lol >:)

Sobrang magiliw ako sa matanda pero wala ko masabi sa matandang huklubang yon. Period.

SECOND PERSON I MET. Sa tindi ng tensyon, mas pinili kong ituloy ang trabaho ko. Hehe. I went in front and wrote everything that was going on. Hanggang sa di ko na namalayan ang oras at nakipag-sub na sakin si Kaye para daw makapag miryenda ako. Habang kumakain, tinabihan ako ng isang babae. Nagpapakwento kung ano ang nangyare. So ako naman, kwento. Tapos yun na. Hehe. Ambakla naman ng kausap ko. Sobrang cool. Sobrang fun! Kinuwento nya lahat lahat. Ultimo love life, sex life. Oo. HAHA. Brief nga lang pero ganon narin. :p Tsaka ko tinanong kung sino sya kasi yung mga matatanda kilala kasi sya. Nakakahiya naman diba? Hehe. She gave me her calling card and then I found out that she is a radio announcer sa DWIZ. Madami ring syang mga raket tapos kinukuha pa nya ko as documentor next time daw na may event sya.. Ansaya lang. At the end of our talk, God is still glorified. :) Kahit gano sya kapilya at ka-luka, practicing Catholic si Meng Canlas :) Grabe. So inspiring! ^^

THIRD PERSON I MET. Pagkaalis ni Ms. Meng, upo naman nitong presiding chair ng meeting ng mga matatanda. Muka syang mabait. Yung mga tipong pastor ganon. Hehe. So yun, nagkakwentuhan nalang din kami pero wag ka! ENGLISH! Hehe. I had no choice but to converse in that way also. Letche! HAHAHAHA. He asked me to rate him how efficient was he as a presiding officer. Wala pako sinasabi, nag 8 na agad si lolo. Hehe. Sabi ko nga 9 eh. He was amazed and thanked me. He told me how he was handling people. Eh walanya naman talaga kasi yung meeting! Ang wild! Andaming gusto! Andami mga sinasabe! He was able to control them. Magaling nga! :D Tapos yun, hindi ko na kinaya. I asked him if he was active in Church. I was disappointed to hear him say NO. Hehe. Muka naman kasi talaga syang pastor eh. Lol. HAHA. He was a Catholic but not practicing. Anyway, Lolo is 82 :) He even told me that he was being presumed as a lawyer. Grabe! So hindi pa sya lawyer???? Eh ano sya??? Hehe. He let me guessed what degree he took in. Wala nako maisip eh. Hehe. Tapos yun. Sinabi nyang...


HIGH SCHOOL GRADUATE.

Hwe????? Eh sobrang mukang marunong si lolo! As in! @______@
I asked why is he articulate and then he told me he was fond of reading books. Technical books on how to speak English fluently, how to write, grammar and he emphasized on LOGIC. Whoa! True that. Kaya naman kasi mag self-study. Lol. Imba si lolo! Partida! Hindi pa sya nag-college nyan ha? He was proud to say he could argue with a lawyer and win! Hoho. That's my lolo! :))) Everything daw kasi is based on logic. On truth.  Tapos yun. Tinawag nako for my next duty. Hehe

AND THEN I MET THE POOREST REGION IN THE PHILIPPINES. After the sectoral break-out, the next part was the regional break-out. I was assigned to document in CARAGA or Region 13. Lucky me I am a Waray  kaya naiintindihan ko sila. Hehe. There was one part of the problem-identifying matrix where you list down priority municipalities/cities of a certain problem or issue. In this region, everything is being listed down. :( Nakakalungkot. Ayoko na sana makinig sa mga sinasabi nila kahit bisaya kasi nadudurog ang puso ko. </3

Unlike the previous grouping, this group is  few. Region 13 is only represented by less than ten people. We were in a dining table and we had dinner together. They were very friendly and they took the seminar seriously thinking of the problems and immediate solutions to those problems. Haaay. Ka-looy.


Before I forgot, HAHAHAHAHAHA. Napahiya nga pala ko. Lol. The person I was referring to the previous post texted  me that day during these activities. He said he just deactivated his account and he was just busy and saying sorry. :)))))) Tengene! Gusto ko nang lumubog! HAHAHAHAHAHA. So there, nabigyang kasagutan ang tanong ko! :"> Hihi. :))))))))

At late ko na nakita sa calling card ni Ms. Meng, sya pala ang CEO ng ABC Productions. Lol :))

3 comments:

  1. hey! pwede bang makopya in part or full ang inyong introduction? medyo naging "popular" ang blog ko and I think dapat ko nang palitan ang introduction to some more aggressive one. hehehe.

    uy nga pala, nagcomment ka pala dun sa SP presentation post ko. kahapon ko lang nakita. :)

    ReplyDelete
  2. Bat ganon di ko maview blog mo? Haha. Ngayon ko lang nabasa to. Busy me. :p

    ReplyDelete
  3. ay. i privatized it for the meantime, iPM mo sa akin sa FB gmail mo so I can give you access

    ReplyDelete