Friday, October 19, 2012

Why personality over looks?

During my stay in Elbi, I had flings or what they usually termed as "chorva". Hindi naman sa pagmamayabang, pero gwapo sila. ( Hanep sa "sila". Lol.) As in crush ng bayan level. Kaya lang, hanggang dun nga lang. Chorva lang. Nothing serious. Lakas maka high school ang peg!

Well, okay na rin. Kasi sobrang lapitin nila sa chix e. Ayoko naman ng kompitensya. Gusto ko, sakin lang. Eh nothing serious nga, pano naman kaya mangyayari yun? So yun. One time, may isang guy na crush ng bayan ang label na con todo papansin sakin. Hindi ko alam bat sya pinagkakaguluhan ng mga babae kasi sakin, hindi ko sya type.

Until, kinuha nya YM ko tas number at forever na kami magkausap. Dun ko naranasan uli yung mapuyat kasi may kausap. Yung uunahin mo pa ang pakikipagchat at text kesa magreview! Bagsak man, sooo much worth it naman sa paglandi! Haha. Tapos lagi nya ko nililibre. Nung una hindi ko nilalagyan ng malisya pero dahil sa nakuha nya loob ko, nakita ko na rin yung nakikita ng iba.

Sobrang gwapo pala nya talaga! Ambango bango pa! Tapos grabe effort sa communication at kung anu anong kasweetan. Hindi naman mushy level pero sweet na kasi sakin yung ganung efforts. Isang sem din kaming ganun. Tapos come sembreak, mas lalo kami naging close kasi basta. Lol.

Tapos yun. Natapos. Kasi nung registration nung second sem nagpapasama ako sa campus, hindi nya ko sinamahan kasi may lakad daw syang iba. Nagkagulatan nalang kami nung nakita ko sya sa Ristretto na may kasamang iba! Haneeeep! Tas yun. Awkward na after. Walang texts. Walang chat. Walang kahit ano. Antagal din naming hindi nagpansinan. Siguro mga two years din bago naging cool na kami sa isa't isa. Hehe.

Yung totoo hindi naman talaga ko naghahanap ng gwapo. Ang akin lang, basta matalino, may sense at masayang kasama okay nako. Bilang mapanlait rin ako, ayoko yung ako yung inferior sa lalaki in terms of looks. Gusto ko ako lamang syempre! Hoho

Pero after nga ng nangyari sakin sa mga chorva ko nung college, lalo talaga akong nadala na wag na wag na sa gwapo. Kasi ang gwapo, sakit ng ulo! Sigurado, lolokohin ka. Kung loyal man sya sayo, eh uso na ang malandi ngayon. Hindi tayo sure dyan kung hanggang kelan kayang pigilan ang tukso.

Tapos nakilala ko tong ubod ng panget na to na akala ko may malinis na intensyon sakin kasi kung makabisita sa bahay akala mo nanliligaw. Mga dalwang bwan rin naman akong naging masaya. Kaya lang hindi lang pala ako ang napapasaya nya. Ang putanginang damuho, nakakapambabae pa! Haneeeep! Hiyang hiya talaga ang kutis ko! Hindi ko matanggap kasi pucha! Pinatulan ko eh! Apakapanget nya!!!! Nakakaiyak talaga!!! HUHUHUHUHUHUHUHUHUHU

T________________________T

Sobrang nainsulto ako sa nangyare! Tangina talaga! Hinding hindi ko to makakalimutan sa tanang buhay ko! Kaya simula ngayon, sa gwapo na uli ako. Paksyet. Sabi nga ng kaibigan ko,

"Ang personality nadedevelop yan. Pero ang mukha HINDE."

Napapatanung tuloy ako kung gano ako kasama para sobrang karmahin ng ganito? Grabe namang sumpa to! Oh well at least, natakasan ko. Ayoko namang malahian ng panget! Baka tawaging batang agas ang mga babies ko. Hoho.

Di bale ng maloko, basta gwapo. Tangina. Mas mahirap yung naloko ka na nga, sobrang panget pa ng lumoko sayo! Double Whammy!

No comments:

Post a Comment