Since sparks is TOO mainstream, I will not post this on my favorite group in Facebook (Narinig ko sa UP). Hoho.
Tandang tanda ko yung unang beses na nakita ko yung ex ko. Di ko lang matandaan kung anung date pero the rest, maliwanag pa sa ala-ala ko. Younger brother sya ng blocmate ko, na that time, member ng Executive Committee ng UPAEMS.
First Sem AY 2008-2009. Dumalaw ako sa H4 (Orghouse dati ng AEMS). Naririnig ko na yung pangalan nya kasi pinagkkwentuhan na dati pa. Na kaya nga nagSoro tong si Tandybear kasi para sa connections in case hindi pumasa ang kapatid nya. So ako, feeling ko medyo mahinang uri yung kapatid nya kasi bakit pa nya kelangang gawin yun? Anyway..
So yun, pagpasok ko ng H4, sya yung bumungad sakin. Dahil walang furnitures sa H4, nakaupo lang sya sa may banig sa harap ng medyo malaking mababang table. Naka-side view sya nang makita ko. Alam mo yung sa TV? Yung parang may liwanag? Hindi ko alam. Pero may ganung effect! Hindi to ka-echosan. Ganun talaga. Tas parang nag-slow mo. Swear! May ganun talaga.
Sobrang nahiwagaan nga ko nun kasi..BAKEEEET????
Eh sobrang payatot nya, mukhang totoy at batang bata! Freshman lang sya nun. Tapos nag-Hi ako. Tumango lang sya sabay pasok sa kwarto nya. Ganun sya ka-ilap. Tahimik lang. Maglalaptop lang yun o maggi-gitara. Ganun lang buhay nya. Papasok, uuwi sa H4, magdoDoTa or magigitara.
Hanggang sa naka get-along na rin sya sa mga myembro. Dumadaldal ng konti. At yun, dahil sya lang ang hindi AEMS sa unit na yun, wala pa rin syang nagawa kundi makisali sa workshop at kung anu-anong events ng org. Bored e. Lol.
Naka-aattend nga sya ng 25th Alumni Homecoming ng org e. Finals nalang di nya naa-attendan. Niloloko ko na sya nun na crush ko sya. Na lokohan lang naman talaga. Ansarap nya kasi bwisitin. Bugnutin eh. Haha. Tapos parang naadwa na talaga sya sakin, iniiwasan na nya ko kaya ibinaling ko sa iba yung trip ko. Second sem nun nung naging kaklase ko sya sa Stat1 lecture pero di ko matandaan kung pang-ilang take ko yun. Lol. Aems na rin ata sya nun? Di ko matandaan kasi lately lang naman ako naging active sa org, nung magggrad na.
Eh since wala ko ibang kilala, tinabihan ko sya. Nagbabaka sakali ako na may mapapala ako sa pagtabi sakanya. Kokopya sa quiz ganyan. Kaya lang, nga-nga! Wala rin sya sinasagot sa quiz. May ka-course ako na ibang org na binati ako sa klaseng yun. Lagi ko raw kasama boyfriend ko. Napa-what the hell nalang ako! Kasi naman. Yung batang yun? Seryoso? Haha. Tapos yun, tanda ko 1st exam tinanong ko kung anong score nya kasi ako bagsak. 40 lang ako. Hehe. Ang hayop mababa raw. 80! Eh pota! Pareho lang naman kaming walang masagot sa quiz tapos di ko pa sya nakikitang nag-aaral! Eh ako mabubuwang nako bagsak parin! At yun, umulit ako. Haha.
Tapos summer 2009, nag-enroll ako ng Physics3 at Math26 bilang mayabang ako. Lol. Pero nag-uwian lang ako nun. Dito ako naging mas close sa org. Wala kasi akong matambayan kaya lagi lang ako nasa H4. At dun na nagsimula ang lahat. Since lagi ako nasa H4, lagi ko ring kasama ang mga nandun. Syempre ayun. Kasama sya. Nakakasama naman sya sa mga inuman pero mas madalas na. Lagi kaming nagjajam syempre. Palagi rin kami magka-away. Nakakatuwa. Akala mo kasi tahimik sya pero andami nya namang sinasabi. Hindi sya nagpapatalo. Eh hindi rin ako nagpapatalo. Lol. Dun ko na sya na-crushan ng totoo. Ang talino nya kasi. Sobrang sarap kausap. Ansaya namin pag nag-aargue kasi wala talagang sukuan. HAHA.
Hanggang sa sabay na kami maglunch kasi kami lang yung swak ang sked sa H4. Finifish ko narin sya nun kung may nililigawan sya, pero wala raw. Hindi raw sya manliligaw. Medyo nalungkot at natuwa ako sa sinabi nya. Natuwa ako kasi at least, panatag ako. Hehe. Malungkot kasi, malandi ako. Nagpapakita na ko ng motibo! Lol
Tapos nahuli namin sya ni Paw na may katext. Kakaurat. Yung blocmate nya. Ang landi ng hayup. Lol.
Come 1st Sem, confirmed. Nililigawan na nga nya yung blocmate nya. Grabe durog ako nun. Lol. Eh kaseeee sabi nya hindi sya manliligaw tapos. Hoho. Pero basted sya don. HAHA. :))) Pero sabi nya hinde. Kaurat.
Ewan ko ba. Antanga nun. Obvious na obvious naman na may gusto ko sakanya. Sya nalang pala hindi nakakaalam. Hindi raw kasi sya naniniwala. Halos tumambling nako sa harap nya mapansin lang ako pero waley. So pano nga ba nabaligtad ang lahat?
CEMplangan yun e. Nung nagalit sya sakin ng todo. Hehe. Mababaw lang talaga yun actually kaya lang nabugnot sya. Haha. Eh yun. Nagsorry naman ako. Tas nagbati din kami. Hinug ko sya sa Splash, dun kasi yung game. Tapos yun. Okay naman na. Kaya lang ilag na kami sa isa't isa. Ganun kasi talaga sya. Bugnutin. Laging aborido. Hanggang sa sumuko nako. Ayoko na. Nakakapagod na magpapansin e. Haha
Sem-ender sa Laiya sumama ako. Kahit na sangkatutak ang ireremove ko. Lol. Bilang malandi kami. Todo two piece kami. HAHA. Hindi ko na sya nun pinapansin. At nakaramdam naman ako na sya na yung lapit ng lapit. Umiiwas lang talaga ko. Hoho. Effective ang pagsswim suit! Lol
Tapos yun, after ng Laiya uuwi na sya sa kanila tapos ako naman magreremove sa AENG2. Nung gabing yun alam ko na parang gusto nya ko kausapin. Hinayaan ko lang sya. Deadma. Hehe. Busy ako nun nagrereview nang may kumatok sa kwarto. Pagtingin ko, sya nga.
Hindi ko alam kung bakit pero tinawag ko sya at pinaupo sa tabi ko kahit abala ko mag-aral aralan. Hehe. At yun, sinamahan nya ko buong gabi. (Walang kahalayan to) HAHA. At dun na naging kami.
Kinabukasan, umuwi na sya at nagexam na nga ako. Yun na ang pinakamasayang exam na natake ko sa buong buhay ko! Ayun. Pasado. :))
naintriga naman ako kung sino si blocmate. Ako ang blochead, wala akong ka-alam alam dun. Haha.
ReplyDeleteAnyway, natuwa naman ako sa mga to:
Malungkot kasi, malandi ako. Nagpapakita na ko ng motibo! Lol
---
Lol. Bilang malandi kami. Todo two piece kami
---
Effective ang pagsswim suit! Lol
Or hindi nyo sya blocmate? Lol.
ReplyDeleteClue: Malapit sa pangalan ko. Hoho