Tuesday, October 23, 2012

Taong Itim

Ang ishe-share ko eh walang sparks okay? Hoho.

Nung malapit nako grumad nung college, binalikan ko yung bucket list ko na ginawa ko pa nung NF. Nasa Top 5 ko nga pala yung makakita ng multo, bilang sikat naman ang elbi sa ganun at hindi naman ako matatakutin.

2009 nung marecruit ako ng mga orgmates ko tumira sa kunsan tawagin namin ay "Clemente". Isa syang mukang abandonadong building sa kabilang kanto ng Fifth of September Mansion. Maayos naman yung mga units kaya lang, scary talaga sa labas tipong kala mo dalahan ng mga kinidnap for ransom at kung anu anong modus.

Medyo kakaiba sa neighborhood na yun kasi twing alas tres ng madaling araw magigising ka nalang sa alulong ng mga aso na sumasabay sa chant galing sa mosque. Eh jusko, kakapanood ko rin ng mga horror movies tulad ng Exorcism of Emily Rose, naaning ako. Hanggang sa nasanay nalang.

Tapos etong magaling kong orgmate na may third eye na hindi naman taga Clemente, may nakita raw syang taong itim sa may hagdan ng third floor. Buti nalang 2nd floor kami. Hanggang sa may mga dumagdag kaming orgmates na sa Clemente na rin tumira at sa 3rd floor naman sila. Sa madaling sabi, lumipat ako sa taas at isang madaling araw ko nakita ang higit pa sa hinahanap ko..

Nagising ako nun dahil sa sobrang alibadbad na pakiramdam. Yung banas na banas ka. Sobrang init. Nagising na yung roommate ko dahil sa bwisit ko kaka-rant na mabanas. Pinapabalik nalang nya ko matulog kahit tutok na sakin ang fan, pero wala parin. Ibang level talaga ng banas na yun.

So ang ginawa ko, lumabas ako ng kwarto. Hindi talaga ko mapakali kasi hindi ko rin alam ang gagawin ko pano magiginhawaan. Mga ten minutes din ata akong paikot ikot. Tapos yun, naisip kong buksan ang pinto at screen door at doon umupo at tumambay. One unit away kami sa hagdan. Nakita ko nalang yung roommate ko na malapit na rin sakin at sinamahan ako.

Hanggang sa.. sobrang bilis ng mga pangyayari. As in seconds na magkakasunod...

May nakita akong itim na pusa malapit sa hagdan tapos may umappear na silhouette na black na nakatayo sa harap ko pero walang mukha. Basta korteng tao talaga. Kasunod tumunog ang mosque na sinabayan ng alulong ng mga aso.

Sobrang kinilabutan ako at umiiyak na sa sobrang takot. Mga 5 seconds din syang nakatayo sa harap ko. At nung tinignan ko yung oras.. Saktong 3:00AM! Tinanong ko yung roommate ko kung nakita rin nya kasi nga magkatabi lang kami..Hindi sya umimik.

Sabi ko lang naman kasi gusto ko makakita ng multo, hindi maligno.

No comments:

Post a Comment