So yun, andami ko naging new friends on Facebook. Sila naman yung nag-aadd eh. Keri lang. Tinry ko rin yung video chat. Haha. Pero puro mga taga US ang nakakausap ko. Yung first attempt ko, puro kids! Na nakakatuwa! Kasi lahat ng sabihin ko, ginagawa nila. Tapos yung iba puro kalokohan nalang. Pag may censored, DC lang ng DC. Lol. Pero stick to text parin.
Naexperience ko na rin yung nakausap ko nung gabi ay nakausap ko kinabukasan. Haha. Sobrang funny! =))) Tapos kahapon sa office bilang bored ako at wala kong boss ayun, Omegle!
Nakakatawa kasi. Yung mangangausap ka ng stranger tapos malalaman mo, kilala mo pala or connected sya sa mga nakausap mo na rin. Sobrang cool! Haha. Like kahapon, may naka-chat ako na 06 rin at naging classmate ko pa somewhere! Tapos malalabel akong suplada "dati". Lol. Eh ang bait ko kaya? Charot. Pero ang pinaka epic sa lahat eh ang naka-chat ko eh yung admin ng Overheard! Haha. Hindi ako makapaniwala e. Sobrang small world! Buong maghapon kami magkausap. Ewan ko rin. Bat andami kong nasasabi.
Nabobore na uli ako sa buhay ko eh. Office dorm nalang palagi. Lagi akong unli pero wala naman ako katext. Yung pseudoboyfriend ko eh missing in action. Kung kelan nya gusto magparamdam, tsaka lang sya magpaparamdam. Ano na naman kaya yun? Tapos nakita ko ang new picture posted sa wall ni ex. Crush ko na sya uli. Pano naman ako nito???
Ang labo. Gusto ko lang naman kasing kiligin. Kelangan ko magkaron ng crush. Punyeta yun lang wala pa??? Kaya hindi ko na ibebenta si Princess. Sya na lang ang kasangga ko ngayon. Sa byahe, sa office, sa dorm. Kaya ko namang mag-isa basta andyan sya. Tangina andaldal ko. Masyado akong bored at maraming sinasabi. Namimiss ko ang may kausap na kahit ano pwede kong sabihin. Tapos tatawa lang ako. Namimiss ko tumawa ng wagas.
Kaya siguro ako naadik sa Omegle. Kasi kahit ano pwede kong sabihin. No judgment.
No comments:
Post a Comment