During my stay in Elbi, I had flings or what they usually termed as "chorva". Hindi naman sa pagmamayabang, pero gwapo sila. ( Hanep sa "sila". Lol.) As in crush ng bayan level. Kaya lang, hanggang dun nga lang. Chorva lang. Nothing serious. Lakas maka high school ang peg!
Well, okay na rin. Kasi sobrang lapitin nila sa chix e. Ayoko naman ng kompitensya. Gusto ko, sakin lang. Eh nothing serious nga, pano naman kaya mangyayari yun? So yun. One time, may isang guy na crush ng bayan ang label na con todo papansin sakin. Hindi ko alam bat sya pinagkakaguluhan ng mga babae kasi sakin, hindi ko sya type.
Until, kinuha nya YM ko tas number at forever na kami magkausap. Dun ko naranasan uli yung mapuyat kasi may kausap. Yung uunahin mo pa ang pakikipagchat at text kesa magreview! Bagsak man, sooo much worth it naman sa paglandi! Haha. Tapos lagi nya ko nililibre. Nung una hindi ko nilalagyan ng malisya pero dahil sa nakuha nya loob ko, nakita ko na rin yung nakikita ng iba.
Sobrang gwapo pala nya talaga! Ambango bango pa! Tapos grabe effort sa communication at kung anu anong kasweetan. Hindi naman mushy level pero sweet na kasi sakin yung ganung efforts. Isang sem din kaming ganun. Tapos come sembreak, mas lalo kami naging close kasi basta. Lol.
Tapos yun. Natapos. Kasi nung registration nung second sem nagpapasama ako sa campus, hindi nya ko sinamahan kasi may lakad daw syang iba. Nagkagulatan nalang kami nung nakita ko sya sa Ristretto na may kasamang iba! Haneeeep! Tas yun. Awkward na after. Walang texts. Walang chat. Walang kahit ano. Antagal din naming hindi nagpansinan. Siguro mga two years din bago naging cool na kami sa isa't isa. Hehe.
Yung totoo hindi naman talaga ko naghahanap ng gwapo. Ang akin lang, basta matalino, may sense at masayang kasama okay nako. Bilang mapanlait rin ako, ayoko yung ako yung inferior sa lalaki in terms of looks. Gusto ko ako lamang syempre! Hoho
Pero after nga ng nangyari sakin sa mga chorva ko nung college, lalo talaga akong nadala na wag na wag na sa gwapo. Kasi ang gwapo, sakit ng ulo! Sigurado, lolokohin ka. Kung loyal man sya sayo, eh uso na ang malandi ngayon. Hindi tayo sure dyan kung hanggang kelan kayang pigilan ang tukso.
Tapos nakilala ko tong ubod ng panget na to na akala ko may malinis na intensyon sakin kasi kung makabisita sa bahay akala mo nanliligaw. Mga dalwang bwan rin naman akong naging masaya. Kaya lang hindi lang pala ako ang napapasaya nya. Ang putanginang damuho, nakakapambabae pa! Haneeeep! Hiyang hiya talaga ang kutis ko! Hindi ko matanggap kasi pucha! Pinatulan ko eh! Apakapanget nya!!!! Nakakaiyak talaga!!! HUHUHUHUHUHUHUHUHUHU
T________________________T
Sobrang nainsulto ako sa nangyare! Tangina talaga! Hinding hindi ko to makakalimutan sa tanang buhay ko! Kaya simula ngayon, sa gwapo na uli ako. Paksyet. Sabi nga ng kaibigan ko,
"Ang personality nadedevelop yan. Pero ang mukha HINDE."
Napapatanung tuloy ako kung gano ako kasama para sobrang karmahin ng ganito? Grabe namang sumpa to! Oh well at least, natakasan ko. Ayoko namang malahian ng panget! Baka tawaging batang agas ang mga babies ko. Hoho.
Di bale ng maloko, basta gwapo. Tangina. Mas mahirap yung naloko ka na nga, sobrang panget pa ng lumoko sayo! Double Whammy!
When everybody wanted to become a vlogger, I chose to blog instead.
Showing posts with label rant. Show all posts
Showing posts with label rant. Show all posts
Friday, October 19, 2012
Friday, October 12, 2012
Rants and randomness in October
October greeted me with a BANG! Sobrang saya lang. Tinatamad ako magkwento actually. Spontaneous nalang tong pagtytype ko.
I enjoyed Singapore. Here are some of my pics: :P
Sobrang hirap mag-isa! (Magpicture and all)
At the SkyTrain with Nanay Dada :)
Hiyang hiya naman daw ang NAIA sa Terminal 3 ng Changi!
Thai in SG
Sobrang naaliw ako mag"tap tap" :))
At Vivo City
Universal Studios Singapore
I survived BattleStar Galactica! Mas nakakatakot pa ang Surf Dance ng Star City! Hoho
Dinner at Loui's Pizza w/ Julius, Nanay Dada and Bugtong
Dura ni Merlion
Kahit gano kasaya or kabusy ako this past week parang wala rin. Pano kasi? Yung isang taong ineexpect ko na gagawa ng mga bagay para maging connected sakin, wala. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang palabasin? Kaya tiniis ko nalang rin sya. Yung totoo, sabi ko two weeks ago, Friday yun, last na sabay na nya sakin pauwi yun. Tapos tatapusin ko na kung anumang kalokohan meron kami. Pero ano? Wala. Nakikain pa sya sa bahay. Hoho. Kasi pag magkasama naman kami, sobrang saya lang. Nababawi nya yung isang linggong kebs lang sya sakin. Jusko. Hanggang kelan ba rin akong ganito? Kelan ko paninindigan ang mga sinasabi ko?
Ang labo kasi talaga ng set up namin. Parang kami pero hindi naman talaga. Eh ayoko ng ganun. Feeling ko part time pseudorelationship to. Ayoko ng malabo. Ayoko ng komplikado. Sabi nga sa Perks of Being A Wallflower, "We accept the love we think we deserve." Eh ako, ayoko. I don't deserve that kind of "love". Pagod na ko umintindi at mag-adjust. For once, mag effort naman sya.
Then he called me last night. So ako naman, since may impluwensya ng alak. Hindi ko na kinaya ang pagiging transparent ko. I told him everything. Those issues. Pero parang wala namang naresolba. Tinanggap lang naman nya lahat ng sinabi ko na nakakainis. At ang mas nakakainis pa, binabaligtad pa nya ko. Na finifish nya ko bakit kelangan ko magdemand? Eh hello???? WTF!
Asar lang. Kung baga sa judiciary, kelan ba ko makakasunod sa "due-process". Palagi nalang kasing instant. Though sabi ko dati, ang relasyon dapat ang pinapahaba at hindi ang ligawan.. perooooo. Haaay. Ang hirap lang maging babae. Walang ibang magagawa kundi mag-intay.
Tangina lang kase. Ayoko na mangyari yung dati na biglaan. Dapat sigurado. Okay. So, alam ko na gagawin ko. Sana lang mapanindigan ko.
Wow. Haha.
Subscribe to:
Posts (Atom)