Thursday, March 15, 2012

:|

Sobrang lost lang ako. Hindi nga lang ako nasabon ng boss ko kahapon eh. Kinula pa nya ko at isinampay.Pero hindi ako naiyak. Naanticipate ko kasi na mapapagalitan nya ko. Mali nga lang ng araw. Haaay. Ma-renew pa kaya ako? Nakakalungkot lang. Kung kelan naman kasi end of contract na tsaka pako pumalpak. Naisip ko tuloy. Ito ba ang gusto ko? Isang bwan nako nagpapakapuyat sa trabaho. Ultimo Sabado-Linggo gumagawa ako ng trabaho eh pero ganun parin yung bayad. Sinabi nya na ambagal ko daw magtrabaho. EH PUTANGINA PALA EH! Kung sinabi lang ng magaling nyang kapatid (Oo. May staff syang kapatid) ang gagawin ng isang pasada, eh di sana 2 weeks lang sakin yung trabaho! Tanginae! Napaka inefficient ko tuloy! Nakaapat na revisions tuloy ako!!! GRRRRRRR!!!!

Pero habang pinapagalitan nya ko, ewan. Chill lang. Siguro kasi matagal ko na iniintay na magalit sya sakin. Akala ko kasi hindi nya magagawa sakin eh. Ayun. Lol. Ansaya pala! Rawr! Haha.

Haaaay. Pero anlungkot ko. Buti nalang andyan si Chikoy. Namiss ko sya ng sobra. Sana magkita na kami. Andami na nyang plano. Ewan ko lang kung may matutupad. Sana.

Last Friday pala nung papunta ko sa finals ng AEMS, sa bus, may nakatabi ako na gwapo. Hehe. Eh medyo makulit ako nun tapos natatawa sya sakin. Hindi ko na kinaya, medyo nasiko ko sya at tinanong bat sya natatawa! Eh yun, nagkakwentuhan na kami. Wala naman ako balak na makipagkaibigan. Ang akin lang. Kinakausap ko sya ganun. Tapos bandang Calamba na nung nagpakilala na sya sakin. Keri lang. Tapos nung malapit nako sa Pansol..nilabas nya phone nya. Tinanong ako kung okay lang kunin number ko. Eh okay lang naman. Tapos yun. Monday na sya nagtext. Ang arte ko pa sa "who's this?" eh alam ko naman na sya yun. Lol

Scary lang si kuya (28 na kasi sya), kasi that day, nakikipagmeet na naman sya at gusto pa ko sabayan sa bus na naman! Jusko. Bye kuya!

Ayun wala lang. Out of focus ako eh. Haaay. Isama mo pa tong putanginag regla!

No comments:

Post a Comment