Tuesday, December 13, 2011

Utot ng Utak Bilang Sawi Ako.

Namimiss na kita. Pero yung miss na tolerable. Hindi na kaya ng dati na nagffreak out nako para lang makita ka. Nakakatawa nalang tuloy. Pero gusto kitang makita. Gusto kita makausap. Gusto ko makakwentuhan kita. Yung mahaba. Yung parang dati. Kahit mag-aaway tayo, pero ang totoo hindi naman talaga. Gusto kitang makatabi. Gusto kitang mayakap. Gusto kita maamoy. Yung kili-kili mo na nakaka adik. Kahit sobrang payat mo, pag niyakap mo ko pakiramdam ko safe ako. Walang makakapanakit sakin. Wala kong dapat intindihin o alalahanin. Kelan nga ba tayo huling ganito? Hindi ko na maalala. Hindi ko na matandaan. Kapag nga iniisip ko paano tayo nag-aaway dati at pano tayo nagbabati, walang tumatak sa isip ko. Pakiramdam ko sobrang bilis ng mga pangyayari saten. Parang ang iksi ng isang taon at apat na bwan. Namimiss ko na ang boses mo lalo pag tatawagan mo ko. Dati rati halos araw-araw mo kong tinatawagan. Lumalaki ang bill mo nang dahil sakin pero wala akong narinig sayo. Nag-Globe ka pa nga para lang matext kita kahit yung Smart mo parin naman ang pinangrereply mo. Lahat ng gusto ko sinunod mo. Kahit sobrang moody ko. Namimiss ko na ang mag-jam tayo. Kahit na paulit-ulit lang ang tinutugtog mo. Kahit na hindi mo tinatapos ang mga kanta kasi hindi mo saulo. Namimiss ko yung kinakanta mo sakin pag matutulog nako. Yung Pangasinense na kanta. Kahit wala ka sa tono, ansarap parin sa tenga. Namimiss ko yung lambingan. Kahit na alam ko na sa totoong buhay pag may narinig ako ng ganon din ang ginagawa eh mabubwisit ako. Namimiss ko yung paghalik mo sakin sa noo at paghawak mo sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinikilig ako pag ginagawa mo yun. Namimiss ko yung pag hahawakan mo ang kamay ko habang naglalakad tapos aalisin ko kasi nagiinarte ako. Hahawakan mo kasi ako sa bewang na mas gusto ko na ginagawa mo. Namimiss ko yung pagdaan sa may basang part papuntang Clemente. Bababahin mo kasi ako para lang di ako mabasa ng tubig kanal.Namimiss ko yung pagkain naten kung san san kahit mahal mapasaya mo lang ako. Namimiss ko yung pagsasabi ko sayo ng kahit na ano. Andyan ka lang para makinig at iyakan. Andyan ka para patawanin ako. Hindi ko nga alam e. Hindi ka naman nakakatawa kung tutuusin pero kaya kong makasama ka buong maghapon sa usapan lang. Namimiss ko yung ganun. Namimiss ko yung dating ikaw at ako. Pero alam ko pag sinabi ko to sayo, pag hinanap na naman kita, magagalit ka. Ibang-iba ka na. Hindi na ata talaga kita kilala...

1 comment: