Nakakatawa lang kasi it's been seven months already but the pain is still the same. I may not cry that much often but what I am feeling now is just like the first day he left me. He's been part of my successes and he was the reason of my failures (Oo. Sinisisi ko sya!!! Lol). Masyado lang kasi ata ako nasanay na nandyan sya. He was my strength and my weakness. Akala ng iba ina-under ko sya, but he was really the one who took control.
Umiiyak ako ngayon. HAHAHAHAHHAHA. Punyeta! Ansama nya kasi. Bakit sobrang mean nya saken? Ganon nalang yon? Biglang wala na syang pakialam sakin eh dati rati wala syang ibang inisip kundi ang kapakanan ko. Mahal na mahal ko kasi sya. Sobra. Akala ko sya din.
Alam ko masama ugali ko pero nung naging kami, sobrang laki ng pinagbago ko. Mainipin ako at iritable pero nung naging kami, nagawa kong hintayin sya ng matagal pag may usapan kami. Sobrang humaba talaga ang pasensya ko. Nagagalit ako pero konting lambing lang nya, wala na. Andami kong efforts nun na hindi ko inexpect na magagawa ko dahil lang sakanya. Kahit nga ngayon diba? Magagalit ako ng onti tapos yun, mahal ko pa rin sya. Okay na uli. Kayang-kaya ko syang intindihin. Grabe! Ano pa bang kulang? Ano pa bang dapat kong gawin? Ano bang ginawa ko?
Ayoko na kasi. Gusto ko pag mamahal ako, isa lang. Ayoko na kasi ng heartaches. Ayoko na namang mag adjust. Masyadong malaking investment ang magmahal uli. At least kung magbabalikan kami, konting adjustment nalang. Sabi sa Finance, the higher the risk, the higher the returns. Eh tangina! Anyare???? Oo. Alam ko marami pang lalake sa mundo. Eh tarages! Halos lahat ng lalaki ngayon puta! Iisa na sila! Pare-pareho. Pang good time lang ang gusto! Wala ng mapagkakatiwalaan ngayon. Kaya ako sobrang nalulungkot kasi ang akala kong sya na, iniwan pa ko. Simple na nga lang gusto ko eh. Di na nga ko naghahanap ng gwapo at macho. Basta matalino, responsable at mabango pwede na. Lol.
Ang labo lang. Sobrang nalulungkot lang talaga ko. Para sakin kasi gusto ko sya na. Sya nalang kasi. Bakit ba ayaw nya? Yan talaga yung palaisipan sakin. Hindi ko talaga alam kung ano yung dahilan.
Lord, please heal my broken heart. Sobrang dami na po ng pinagdaanan nya. Sana po matapos na. I chose to make a decision that is irrevocable. Hope it could really help me. Kasi ayoko na. Pramis talaga! Unfair naman yun, sya masaya samantalang ako, naghihintay pa.