I think it’s the best time for me to talk about my
relationship with my “Ideal Boyfriend”. It’s been a month since he left the
Philippines for Australia and less than a month before we turn one! Yay!
It was last year. Hopia pako sa ex ko. Kasi nagmeet pa kami nung January nung kinuha ko yung pasalubong ko from her ate nung nagpunta sya ng Bahrain. Nirereto nako ng batchmate ko sa soro sa brod ng asawa nya na SChemEs din. “Dati”raw Chemeng at nurse. Hearing those, medyo di nako naging interisado. Kasi sa isip-isip ko baka puchu-puchu lang na school sya galing. Oo. It matters to me. Tapos pinakita ang Facebook profile. Pagtingin ko bang! Gwapo.. nung katabi! Si Marvin Cruz pala yun! Akala ko sya eh. So nung nakita ko sya. AYOKO. Lol.
Until I went to my sorority’s anniv party February. I met
him there. Ang una kong impresyon sakanya: Manyak. HAHAHAHAHAHA. Sumali rin
kasi sya sa body shot game kaya medyo na-off ako. Hanggang sa matapos ang program and finally we
were able to get introduced formally. Nakakatawa! Kaboses nya kasi si Robin
Padilla na idol raw nya at forever nya ko tinatawag na “Maám”. Ewan ko pero
sobrang ma-appeal sya sa personal. Tas macho pa sya! Lol. Imagine? We were in a
party and we talked about religion! Muslim raw kasi ang daddy nya at Catholic
naman ang mommy nya. Tinanong ko kasi kung naniniwala sya sa Dyos ang sagot nya
sakin eh “Oo pero hindi kay Jesus Christ”.
Dun ako nagpanting at nasabi ko na “Wala ka kasing Christian
formation!” Kasi galing syang Rural etc. Dun na sya nagsalita na”Excuse me maám
galing po akong Ateneo de Davao. 2 years po akong may Theo.”At dun ko na sya
nagustuhan. Hehe. We talked almost everything about him. His orgs, his hobbies.
Apprently, Tau pala sya at nagbabasketball. Check na check na sa bucket list
ko. Minus the naggigitara na requirement. Lol. He talked about his very
horrible past and how he was able to bounce back. First meeting palang naming yun
pero lahat ng negative nya, sinabi na nya sakin kaagad. Hindi ko rin alam kung
bakit ko natanggap lahat ng yun. Tapos nagkwento na sya tungkol sa plano nya.
Na plano nga nyang mag-Australia. Upon hearing that, medyo nalungkot ako. Kasi “Oh?
Aalis ka naman pala eh?” Tsaka nya sinabi na “Bakit? Di ko ba pwedeng isama
yung magiging special sakin dun?”Tas dedma nako. Lol
Malay ko ba na magiging kami??? Malay ko ba na ako pala yung
magiging special na tinutukoy nya nun???
Our relationship is just steady. We’re not your usual couple
who annoys you on Facebook and in public. We don’t even hold hands whenever we’re
walking. We don’t cuddle. We don’t text every minute of the day. We don’t have
vanity pics together. Maybe because he’s old enough para magpa-tweetums. I
dunno. I get used to it na hindi na rin ako naghahanap. He’s not expressive
unlike me na sobrang lambing. Pero okay lang. Natanggap ko. Kasi pag nagexpress
naman sya astig lang pero ikamamatay ko naman sa kilig. Minsanan pero sobrang
hindi makakalimutan.
Sobrang hirap din nung set-up naming last year kasi
budget-wise di naman sya ganun ka well-off. Maliit lang ang sahod ng nurse sa
Elbi. Usually ako yung sumasagot. Hindi naman pwedeng ako lang ang mag-date
diba? Lol. Masaya na masakit sa bulsa. Sobrang pigang piga talaga ko nun tapos
halos lahat ng free time ko, sakanya ko talaga dinedicate. Inom. Date.
Basketball. Sleep. At some point, parang nakakapagod. Nakakaumay. Hanggang sa
dumating na nagsawa nako sa lahat ng burdens ko sa buhay ko at pinili kong
makipag-break just to get away. Sobrang na-guilty rin ako nun kasi masyado
akong naging makasarili. Hindi nga naman sya nambabae o nagloko. Inintindi ko
rin na yung mga circumstance at reasons nya. Tapos narealize ko…Hindi ko pala
kaya. L
Hinabol ko sya. Kinain ko ang pride ko. Mabuti nalang mahal
nya talaga ko at tinanggap nya ko ulit. Para nga naman kasi syang basura na
basta ko nalang itinapon. Hindi ko man lang naconsider ang feelings nya. At
higit sa lahat..Hindi ko sinabi yung mga issues ko.
Pag iniisip ko na magiisang taon na kami, parang di ko
mapaniwalaan. Ambilis kasi! Parang kelan lang. Pag iniisip ko pano ko natanggap
yung sobrang pangit nyang past, di ko rin alam.
Ang totoo minahal ko sya kasi nakita ko yung lalaki na gusto
kong maging tatay ng mga magiging anak ko. Sobrang family man nya. Kahit
andaming issues sa bahay nila, sobrang loyal pa rin nya. I really admired him
for that. At alam ko na magiging good provider sya. May isa syang salita. Never
sya nag-promise sakin kasi ayaw nya na magbbreak ng ganun. Siguro nga hindi
nako naghahanap ng “boyfriend”. Nakita ko lahat ng goodness sakanya. Para kong
may kuya at tatay pag kasama ko sya. Lol
I learned a lot of things about myself because of him. He
brings out the best in me. We’re good partners in every activity that we do.
Naging mas mabuti akong tao nang dahil sakanya. J
Haay. Nakakamiss. Nakakalungkot kasi nag-valentines at
maga-anniv ako mag-isa! Sana kayanin. I’m praying the best for us.
No comments:
Post a Comment