Saturday, January 21, 2012

La la la..

Pwede bang umalis ka na sa isipan ko? Kahit sobrang busy ako, nakakasaglit ka pa rin eh! Ay mali pala! Di ka naman kasi nawala dun. Hanggang kelan mo ba ko pahihirapan? Hanggang kelan mo ba ko totorturin? Masaya nako sa buhay ko eh. Madami akong kaibigan. Mahal ako ng pamilya ko. At higit sa lahat may bago akong trabaho na malayo sayo. Sabi nila yung tao daw na nasa isip mo, baka naman kasi talaga para sya roon. Pero hindi eh. Antagal na. Magiisang taon na tong kahibangan nato! Hindi to normal! Ngayon ko tuloy naisip, kaya ko palang magLDR. Chos! One way nga lang. Sige sige. Hindi ko naman kasi kayang magsinungaling. Ganun pa rin. O mas tumindi pa ata. Pero napapagod nako. Naaawa nako sa sarili ko. Yung gusto kong bigyan ng icecream at yakapin ng matagal tapos patatahanin. Namiss ko lang siguro yung dati. Ngayon sa opisina may mga umaaligid. Nakakatuwa nga kasi naramdaman ko na uli na babae ako. Yung inaalagaan. Gumimik kami nung isang linggo sa elbi at ako lang ang nagiisang babae. Wala akong ginastos. Ni isang kusing. Tapos pag nasa office, never ako nagutom. Hindi naman sa nang-aabuso ako pero alam  ko kasi na yun na yung kasiyahan nila kaya sinasakyan ko nalang. Sobrang alaga nila sakin kaya ako yung napapagtsismisan. Eh kasalanan ko bang maganda ko? Pasensya pangit sila. Bwahahaha. Pero hindi ko naman sila papatulan. Hindi natuturuan ang puso. Sabi nga ni..sino nga ba nagsabi nito? Lol. Eh yun. Feeling ko tataba ako sa DA. Ayoko na tuloy umalis. Medyo nasasanay nalang din ako sa mga kasama. Basta. Pinagiisipan ko kung aattend ba ko ng concert nyo, sakto may gimik naman kami sa Pampanga. Pero tama lang siguro na wag na. Baka sa graduation nalang tayo magkita. o hindi na.

5 comments: