Monday, August 13, 2012

Ang gulo.

I am lost. Seriously. I need inspiration. It's my seventh month in the office and I'm getting bored with the things I do here. Everything is routinary. Yung tangina gigising ka ng Lunes tapos in denial ka na Lunes na talaga. Kaya ka papasok para hintayin ang Byernes o kung papasok ka, para sa sweldo. Ayoko na talaga! Nakakaiyak! Tapos pag Friday, mangangarag ka kasi ang onti ng bakasyon. Isang kisap mata lang, Lunes na naman!

I know this is not healthy anymore. Pinipilit ko nalang yung sarili ko dahil wala naman ako ibang gagawin plus  iniisip ko nalang ang dormmates and officemates. But I know, I am not enjoying any longer. I am not happy with my work.

So other than that, eto na naman ang problema ko. Ulit ulit nalang. By the way, mas feel ko pala magblog ng ganito: para ALL out! Haha. 

Nagparamdam sakin yung brod ko after 2 years! Imagine? 2010 pa yung huling communication namin tapos mangungumusta out of the blue? I know something fishy is going on. Hindi naman sya ganito. At alam ko na syempre yung gusto nya. Pero medyo engot din ako kasi inentertain ko parin sya. So yun, agad agad siya nakipagkita sakin. Ewan ko rin bakit ako pumayag. Lol. 

Wala syang sinabi kunsan kami magkikita. Tapos nung malapit nako, saka palang nya sinabi na sa apartment nalang nya ko sya puntahan. Hindi naman sa madumi ang isip ko, pero alam ko kasi may iba na syang binabalak. Kitain ko nalang daw sya sa Fifth. 

Syempre medyo nagulat ako. Kasi si ex ay sa Fifth nakatira. Yun pala sa tapat lang sya. Pagdating ko, Andun nga yung Innova sa Fifth at sinundo nako ng brod ko sa tapat. Kinakabahan ako kasi baka makita nya kami. Sa lahat kasi ng lalaki, yun yung pinagselosan ng ex ko. Hindi ko alam bat ko pa sya naiisip sa panahong yun. 

So yun, pagpasok ng apartment, diretso kami sa kwarto. Kinakabahan talaga ko kasi anu namang gagawin namin dun eh kaming dalawa lang yung tao. Buti nalang may TV. Awkward din kasi imagine? 2010? Ampetsa na ngayon? Makakaconnect pa ba sya sakin? So since malaki yung room na nakalatag lang yung beds, dun ako sa kabilang side. Dulong dulo. Haha.

So ang nangyari, nagkwentuhan nalang kami at nagtake out ng McDo. At kwentuhan pa rin. Pero kung tutuusin, kung malandi landi lang ako, pwedeng pwede e. Parehas na "raw" kasi kaming single. Pero yun. Nag-alas singko, nga-nga! Haha. 

Tapos yun, umalis nako para sa 5:30PM mass. Hindi ko rin actually alam kung anu magiging reaksyon ko sa walang nangyari. Lol. Yung totoo kasi, tarages. Tigang na tigang nako. I need tongue exercise. Lol. Baka hindi nako marunong. Wow. Hahaha.

Isang taon din yun. Lately nga, yun ang pangarap ko. Tapos nung may chance, wala naman ako nagawa. Hindi ko rin pala talaga kaya. Reserved parin pala talaga ko. So lahat ng mga ambisyon ko lately eh kathang isip ko lang. Duwag na duwag naman ako pag andyan na.

Naisip ko rin sya. Ano kaya iniisip nya sakin? Malamang badtrip. HAHAHA. Eh kasi pangatlong "attempt" na to. Lol. Eh yun. Malas lang. Wrong girl. 

Sakto lang sa homily ni Fr. Thor. Tsaka hindi ko rin pala kakayanin kung magsisimba ko eh ang naughty ko? Sa totoo lang, ayoko na magsimba ng 5:30 kasi lagi rin nandun si X. Buti nalang wala sya. Pagkatapos ng misa, palabas habang nagkkwento ko sa friend ko, natigilan sya. Ayun. Nasa harap na pala nya kami. Wow lang. 

So eto ang dilemma ko. Ang gulo ko. Hoho. Baka siguro kelangan ko na talaga ng boyfriend? Hanep. Maisingit lang? Haha. Kasong walang wala e. Kaya mas gusto ko nalang sa bahay. Masaya pa kami ng mga pinsan ko. Kesa yung malayo ako sakanila at kung anu ano naiisip ko..


1 comment:


  1. Tigang na tigang nako. I need tongue exercise. Lol. Baka hindi nako marunong. Wow. Hahaha.

    Isang taon din yun. Lately nga, yun ang pangarap ko. Tapos nung may chance, wala naman ako nagawa. Hindi ko rin pala talaga kaya. Reserved parin pala talaga ko. So lahat ng mga ambisyon ko lately eh kathang isip ko lang. Duwag na duwag naman ako pag andyan na.

    Naisip ko rin sya. Ano kaya iniisip nya sakin? Malamang badtrip. HAHAHA. Eh kasi pangatlong "attempt" na to. Lol. Eh yun. Malas lang. Wrong girl.



    Heavens to Betsy! You are inflamed! What do you mean by this? O.O

    ReplyDelete